Responsive image

April March February January
News Archive for April 2026

1st Qtr Social Protection Cluster Meeting

Date Posted: April 07, 2026

He has Risen! What a productive and insightful meeting it was! Nadiscuss sa 1st Qtr Social Protection Cluster Meeting ang updates on PCAT-OSAEC/CSAEM-VAWC, Rizal Provincial Council for the Protection of Children (RPCPC), Gender and Development Focal Point System (GFPS) at Provincial Advisory Council, kasama na rin ang presentation ng plans for 2027.

Sayaw ng Bati sa Angono

Date Posted: April 05, 2026

He has Risen! Sa pagdiriwang ng muling pagkabuhay ni Hesus, kilala ang Bayan ng Angono sa Sayaw ng Bati. Isang tradisyunal na sayaw na isinasagawa tuwing madaling araw ng Linggo ng Pagkabuhay o Salubong. Ito ay pagpaparangal sa muling pagkabuhay ni Kristo, kung saan ang mga dalagang tinatawag na "Kapitana" at "Tenyenta" ay sumasayaw na may dalang bandera na may nakasulat na Alleluia. Itoโ€™y isang makulay na pagtatanghal na may kasamang awit at tula, na patuloy na nagbibigay-buhay sa ating kultura at pananampalataya.

Santo Entierro sa Taytay

Date Posted: April 04, 2026

Isa sa mga maha-halagang tradisyon sa Rizal tuwing Biyernes Santo ay ang Prusisyon ng Amba o Santo Entierro sa Taytay. Ito ay ang paggunita sa paghihirap at pagkamatay ni Hesus, kung saan makikita ang debosyon ng mga residente sa pamamagitan ng tahimik at taimtim na prusisyon.

Gewang-Gewang sa Parokya ni Sta. Ursula

Date Posted: April 03, 2026

Bilang bahagi ng taunang tradisyon tuwing Biyernes Santo sa Binangonan, isinagawa ang Gewang-Gewang sa Parokya ni Sta. Ursula, kung saan dinagsa ng mga deboto ang prusisyon ng Santo Entierro.

Mga Senakulista ng Cainta

Date Posted: April 03, 2026

Ang paggunita ng Semana Santa ay isang pagkakataon na masaksihan ang husay ng mga Rizalenyo sa pagsasabuhay ng kwento ng Kanyang pagsasakripisyo. Makikita ang lalim ng panata sa patuloy na pagsasagawa ng kani-kanilang Senakulo sa iba't ibang bayan ng Rizal.

Estacion Mayor sa Angono

Date Posted: April 03, 2026

Sa Rizal, ang pananampalataya ay mas tumitibay sa diwa ng sakripisyo. Ngayong Biyernes Santo, muling nasaksihan sa Angono ang Estacion Mayor, isang panatang paglalakbay na dumaraan sa 14 na istasyon ng Krus sa ibaโ€™t ibang bahagi ng bayan. Sama-samang binabaybay ng mga deboto kasama ang pari at banda, habang humihinto sa bawat istasyon upang magnilay at manalangin.

Chrism Mass sa Antipolo Cathedral

Date Posted: April 02, 2026

Kasabay ng pagsisimula ng Huwebes Santo, ginanap sa Antipolo Cathedral ang Chrism Mass kung saan nagtipon ang mga pari at mananampalataya ng Diocese of Antipolo. Dito ay binasbasan ang mga banal na langis na ginagamit sa mga sakramento, habang sabay ding nire-renew ng mga pari ang kanilang mga pangako sa paglilingkod bilang tanda ng katapatan sa kanilang bokasyon.

News Archive for March 2026

Pabasang Bayan sa Morong

Date Posted: March 31, 2026

Sa buong Rizal, bahagi ng tradisyon tuwing Mahal na Araw ang Pabasang Bayan. Mas pinatingkad ito sa Morong dala ng kakaibang sining at pagkamalikhain. Sa loob ng mahigit dalawang dekada, hindi lang pagbasa ang ginagawa, kundi taun-taon ding bumubuo ng mga tableau na naglalarawan ng ibaโ€™t ibang tagpo, a one-of-a-kind experience na makikita sa lalawigan natin.

Paghahanda sa Semana Santa

Date Posted: March 31, 2026

Bilang paghahanda sa mga bibisita sa Rizal ngayong Semana Santa, nagsasagawa tayo ng site inspections sa buong lalawigan sa pangunguna ng Provincial Tourism Office, katuwang ang PDRRMO para siguradong ready tayo sa inaasahang pagdagsa ng mga turista.

Linggo ng Palaspas 2026

Date Posted: March 29, 2026

Bilang hudyat ng pagsisimula ng Semana Santa, ginanap sa iba't ibang simbahan sa Rizal ang Misa ng Palaspas (Domingo de Ramos) at pagbabasbas ng mga hawak na palaspas (palm fronds). Makikita ang pagdagsa ng mga pamilya at deboto na nakikibahagi sa tradisyong matagal nang parte ng ating pagkakakilanlan.

Annual Investment Program sa Jalajala

Date Posted: March 25, 2026

Stronger plans for better communities Nag-conduct ang ating Office of the Provincial Planning and Development Coordinator ng training at orientation sa Jalajala, Rizal para mas mai-align ang planning at budgeting ng kanilang Annual Investment Program (AIP).

National Women's Month Seminar

Date Posted: March 25, 2026

In workplaces, women are vital partners in fostering a culture of respect, inclusivity and professionalism. In line with National Women's Month, nagsagawa tayo ng seminar na "Gender Sensitivity and Women's Rights in the Workplace: Focus on Respect and Safe Work Environment" kasama ang ilang RPG employees from different offices. Layunin nitong palakasin ang awareness sa gender sensitivity, i-promote ang respect at equality at igalang ang women's right sa workplace.

WorldSkills Philippines Rizal 2026

Date Posted: March 23, 2026

In full swing ang WorldSkills Philippines Rizal 2026! More than 80 youth ang kasali at nagtatagisan sa iba't-ibang trade areas, mula automotive, bakery, welding hanggang hospitality at carpentry... ipinapakita nila ang kanilang galing at technical expertise. This competition organized by TESDA highlights Rizal's growing pool of world-class talent and strong collaboration between government, industry and academe.

RPG Volleyball Championship

Date Posted: March 22, 2026

They all spiked their way through the championship game! Ibang galing ang ipinakita ng ating Volleyball Boys Blue Ground Smashers at Black Cluster sa kanilang finals game.

1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill 2026

Date Posted: March 13, 2026

Nakiisa ang ating RPG Employees sa 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill bilang bahagi ng kahandaan ng bawat isa kapag may dumating na lindol.

RPG Clean-Up Drive 2026

Date Posted: March 13, 2026

Nag-YES ang ibaโ€™t ibang tanggapan at volunteers sa ating Clean-Up Drive sa RPG Grounds at mga parte ng Rizal Provincial Hospital System... konting pawis para sa malinis at maayos na kapaligiran.

DRRM Marshals Orientation at Coordination Meeting

Date Posted: March 11, 2026

Pinagtitibay pa natin ang kahandaan ng ating pamahalaan sa oras ng sakuna sa naganap na orientation at coordination meeting ng ating DRRM Marshals.

Iskolar ni Gob Qualifying Exam 2026

Date Posted: March 11, 2026

๐˜‰๐˜ช๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ด ๐˜ฃ๐˜ฆ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ธ๐˜ช๐˜ต๐˜ฉ ๐˜ฃ๐˜ณ๐˜ข๐˜ท๐˜ฆ ๐˜ง๐˜ช๐˜ณ๐˜ด๐˜ต ๐˜ด๐˜ต๐˜ฆ๐˜ฑ๐˜ด. Ito ang nasaksihan natin sa matagumpay na ๐ˆ๐ฌ๐ค๐จ๐ฅ๐š๐ซ ๐ง๐ข ๐†๐จ๐› ๐๐ฎ๐š๐ฅ๐ข๐Ÿ๐ฒ๐ข๐ง๐  ๐„๐ฑ๐š๐ฆ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”, kung saan halos 7,000 examinees ang sabay-sabay na nag-take ng exam sa apat na venues: Maly, Juan Sumulong, Rosario Ocampo, at Binangonan Elementary Schools. Isang araw na punong-puno ng pag-asa para sa libo-libong pangarap.

TB Active Case Finding Activity sa Rizal Provincial Jail

Date Posted: March 10, 2026

Alam natin na we need TUBE-ready sa TUBERCULOSIS kaya naman bago pa ang World TB Day sa March 24, nagkaroon na ang ating Provincial Health Office (PHO) ng Active Case Finding Activity sa Rizal Provincial Jail.

Rizal Delegates ng RAAM 2026

Date Posted: March 10, 2026

Give wayโ€ฆ raRAAMpa na ang ating Rizal delegates para sa muling pagbubukas ng Regional Athletic Association Meet (RAAM) 2026! Sa ating mga atletang Rizalenyo, show your best game, spread sportsmanship, at higit sa lahat, have fun habang pinapakita ang galing at puso ng ating lalawigan!

CID Expo 2026

Date Posted: March 09, 2026

Nagtipon-tipon ang galing at talino ng mga mag-aaral mula sa ibaโ€™t ibang panig ng Rizal sa Curriculum Implementation Division (CID) Expo 2026.

1st Quarter Full Council Meeting ng PDRRM

Date Posted: March 08, 2026

Naging productive ang 1st Quarter Full Council Meeting ng PDRRM kung saan pinag-usapan ang updates, programs at preparedness plans, kabilang ang paghahanda para sa darating na Holy Week. Napag-usapan din ang gaganaping RDRRMCโ€“CALABARZON training, upang mas mapalakas ang koordinasyon at kahandaan sa anumang sakuna.

National Women's Month 2026

Date Posted: March 07, 2026

Itโ€™s Purple Friday this March! The RPG Family proudly wore purple to show love, solidarity, appreciation and a whole lot of support for all the amazing women out there.

Send-Off Ceremony ng SDO Rizal Delegates

Date Posted: March 06, 2026

Game face on, Rizalenyo athletes! Sinimulan natin sa misa ang ๐’๐ž๐ง๐-๐Ž๐Ÿ๐Ÿ ๐‚๐ž๐ซ๐ž๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ ng SDO Rizal Delegates para sa ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐‘๐ž๐ ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐€๐ญ๐ก๐ฅ๐ž๐ญ๐ข๐œ ๐€๐ฌ๐ฌ๐จ๐œ๐ข๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Œ๐ž๐ž๐ญ (๐‘๐€๐€๐Œ) sa Binangonan, para hindi lang physically at mentally prepared ang ating athletes kundi spiritually ready din sila sa laban.

A-HOMES Valentine's Party

Date Posted: March 06, 2026

And with that, end na agad ang February! But love was definitely in the air sa Valentineโ€™s Party ng A-HOMES sa Brgy. Mayamot, Antipolo City, at feel natin ang pagmamahalan at samahan sa bawat puso at ngiti.

RizalenYouth

Date Posted: March 03, 2026

It's a real joy na makipagkwentuhan sa ating masisipag at very reliable na youth leaders sa panunumpa nila bilang mga lingkod bayan! More than that, nagbahagi din sila ng mga possible future projects para sa kapakanan ng mga kabataang Rizalenyo.

Emergency Cash Transfer Program

Date Posted: March 02, 2026

Kasama sina Mayor Ronnie at iba pang lingkod-bayan, weโ€™re truly grateful sa ๐„๐ฆ๐ž๐ซ๐ ๐ž๐ง๐œ๐ฒ ๐‚๐š๐ฌ๐ก ๐“๐ซ๐š๐ง๐ฌ๐Ÿ๐ž๐ซ (๐„๐‚๐“) ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ na natanggap ng ating 1,515 tourism workers sa Montalban mula sa DSWD Calabarzon. Malaking tulong ito para sa kanilang pagsisimula matapos ang pinsalang dulot ng Bagyong Uwan.

HOA Officers of Phase 1B

Date Posted: March 01, 2026

Itโ€™s an opportunity to lead the oath taking of HOA Officers of Phase 1B, Brgy. San Jose, Montalban and East Meridian Phase 1A, Brgy. San Isidro, Montalban. Hindi lang ito basta oath taking, isa itong malinaw na commitment ng tapat na paglilingkod at pagkakaisa para sa bawat homeowner.

News Archive for February 2026

Technical-Vocational Education and Training

Date Posted: February 28, 2026

Hindi lang skills ang hinuhubog sa Technical-Vocational Education and Training, pati disiplina, pananagutan, at malasakit sa trabaho. Maraming salamat sa TESDA Rizal at sa ating mga trainers and partners na patuloy na tumataya para sa kalidad at tamang serbisyo. Ang goal natin: itaas ang antas ng paghahanda ng bawat Rizalenyo--sa trabaho at sa buhay.

Values Formation Workshop

Date Posted: February 26, 2026

Nagsagawa tayo ng Values Formation Workshop para sa ating RPG frontliners at hospital employees bilang patuloy na pagpapalakas natin sa kasanayan at pagpapahalaga sa serbisyo publiko.

47th Centenarian

Date Posted: February 8, 2026

100 years old na, pero hindi halataโ€ฆ ayan ang ating 47th Centenarian ng Rizal at 4th mula sa Binangonan, si Nanay Marina C. Recomono. Sa kanyang healthy lifestyle practices, kasama na ang regular na pag-join sa zumba, talagang achieved ang pagiging active, malakas at puno ng positive energy kahit isang siglo na ang edad.

News Archive for January 2026

SPTA ng Kasiglahan Village Senior High School

Date Posted: January 29, 2026

Big congratulations to the newly elected School Parent-Teacher Association (SPTA) officers ng Kasiglahan Village Senior High School! From panunumpa to paninindigan, official na ang inyong commitment na makiisa, makisabay, at makatiyak na laging may SPTA na nakaalalay sa likod ng ating mga mag-aaral. Kapag ang parents at school ay in sync, siguradong grade-A ang kalidad ng edukasyon.

Pontifical Coronation ng Nuestra Seรฑora delos Angeles

Date Posted: January 22, 2026

Buong puso tayong nakiisa sa mga kababayan natin sa Binangonan sa makasaysayang Pontifical Coronation ng Nuestra Seรฑora delos Angeles! Kasama sina Archbishop Most Rev. Charles Brown, Apostolic Nuncio to the Philippines, Most Rev. Ruperto Cruz Santos, D.D., Bishop of Antipolo, at si Mayor Rhea at iba pang opisyal, sama-sama nating pinarangalan ang nag-iisang Ina at Reyna ng Binangonan.

ACLS Training 2026

Date Posted: January 17, 2026

Saving lives, one heartbeat at a time. Nag-level up ang husay ng ating mga frontliners sa isinagawang Advanced Cardiovascular Life Support (ACLS) Training, katuwang ang UST FMS Life Support Training Center. A big step para sa kahandaan ng ating RPHS doctors and nurses sa pagharap sa kritikal na sitwasyon.

Bagong Kinatawan ng IP at LnB

Date Posted: January 11, 2026

Bagong mandato, bagong simula Congratulations kina ๐—›๐—ผ๐—ป. ๐—ฅ๐—ฒ๐˜†๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฑ๐—ผ โ€œ๐—˜๐—ป๐—ผ๐—ธโ€ ๐——๐—ผ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ผ, kinatawan ng Indigenous Peoples (IP), at ๐—›๐—ผ๐—ป. ๐— ๐—ผ๐˜€๐—ฒ๐˜€ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—๐—ผ๐˜€๐—ฒ, kinatawan ng Liga ng mga Barangay (LnB), sa kanilang panunumpa bilang mga bagong Bokal ng Lalawigan ng Rizal!

First Flag Ceremony of 2026

Date Posted: January 09, 2026

First week pa lang ng 2026, productive na agad tayo. Kasama ang Sangguniang Panlalawigan at ang ating RPG family, sama-sama na agad tayo sa first Flag Ceremony ng bagong taon.