
Kasabay ng pagsisimula ng Huwebes Santo, ginanap sa Antipolo Cathedral ang Chrism Mass kung saan nagtipon ang mga pari at mananampalataya ng Diocese of Antipolo. Dito ay binasbasan ang mga banal na langis na ginagamit sa mga sakramento, habang sabay ding nire-renew ng mga pari ang kanilang mga pangako sa paglilingkod bilang tanda ng katapatan sa kanilang bokasyon.
Isang mahalagang bahagi ito ng taunang selebrasyon ng Semana Santa, na nagpapakita ng pagkakaisa at patuloy na ugnayan ng komunidad. Sa ganitong mga pagtitipon, mas napapalalim ang pagpapahalaga sa mga tradisyong sumasalamin sa pananampalataya ng mga deboto.
Photo Credits: Roman Catholic Diocese of Antipolo
#LalawiganNgRizal
#TaasNooRizalenyo