Responsive image

TB Active Case Finding Activity sa Rizal Provincial Jail

Alam natin na we need TUBE-ready sa TUBERCULOSIS kaya naman bago pa ang World TB Day sa March 24, nagkaroon na ang ating Provincial Health Office (PHO) ng Active Case Finding Activity sa Rizal Provincial Jail.

Sa pamamagitan ng lecture at mobile X-ray screening na ito, mas napapalakas natin ang proteksyon ng ating komunidad sa loob ng Rizal Provincial Jail at mas napipigilan ang pagkalat ng sakit. Maraming salamat din sa Provincial DOH Office, Philippine Coalition Against Tuberculosis, at Taytay Municipal Health Office sa kanilang pakikiisa at suporta sa gawaing ito. Sama-sama nating pinapalakas ang laban kontra TB para sa mas malusog na Rizal.

#WorldTBDay2026
#YesPilipinasCanEndTB
#RizalLabanSaTB
#LalawiganNgRizal
#TaasNooRizaleno