
Sa buong Rizal, bahagi ng tradisyon tuwing Mahal na Araw ang Pabasang Bayan.
Mas pinatingkad ito sa Morong dala ng kakaibang sining at pagkamalikhain. Sa loob ng mahigit dalawang dekada, hindi lang pagbasa ang ginagawa, kundi taun-taon ding bumubuo ng mga tableau na naglalarawan ng iba’t ibang tagpo, a one-of-a-kind experience na makikita sa lalawigan natin.
Mahigit 50 imahen ang maingat na inihahanda, at ngayong taon, tampok ang Huling Hapunan sa kanilang pagtitipon. Marami pang makabuluhan at kakaibang mapupuntahan ngayong Semana Santa dito sa Rizal, kung saan ang tradisyon at pananampalataya ay buhay na buhay at mararanasan.
#Lent2026
#TaraSaRizal
#LalawiganNgRizal
#TaasNooRizalenyo