
He has Risen!
Sa pagdiriwang ng muling pagkabuhay ni Hesus, kilala ang Bayan ng Angono sa Sayaw ng Bati. Isang tradisyunal na sayaw na isinasagawa tuwing madaling araw ng Linggo ng Pagkabuhay o Salubong. Ito ay pagpaparangal sa muling pagkabuhay ni Kristo, kung saan ang mga dalagang tinatawag na "Kapitana" at "Tenyenta" ay sumasayaw na may dalang bandera na may nakasulat na Alleluia. Ito’y isang makulay na pagtatanghal na may kasamang awit at tula, na patuloy na nagbibigay-buhay sa ating kultura at pananampalataya.
Sa pagdiriwang na ito, ipinapaalala sa atin na sa likod ng dilim ay may liwanag at sa bawat pagsubok ay may bagong pag-asa.
Nawa’y maging makabuluhan at puno ng pag-asa ang Pasko ng Pagkabuhay para sa bawat Rizalenyo.
#Lent2026
#LalawiganNgRizal
#TaasNooRizalenyo