
Bilang hudyat ng pagsisimula ng Semana Santa, ginanap sa iba't ibang simbahan sa Rizal ang Misa ng Palaspas (Domingo de Ramos) at pagbabasbas ng mga hawak na palaspas (palm fronds). Makikita ang pagdagsa ng mga pamilya at deboto na nakikibahagi sa tradisyong matagal nang parte ng ating pagkakakilanlan.
Ang Linggo ng Palaspas ay isa sa mga kaugaliang matagal na nating isinasabuhay at patuloy na ipinapasa sa bawat henerasyon. Sa pagtitipon na ito, naaalala natin kung gaano kalalim ang ating koneksyon sa kultura at pananampalataya tuwing Mahal na Araw.
Ingat po ang lahat at hiling natin ang isang makabuluhang Semana Santa para sa bawat Rizalenyo.
#LalawiganNgRizal
#TaasNooRizalenyo