NEWS CORNER
Matagumpay na naisagawa sa Rizal Provincial Hospital System - Jalajala Annex, ang vaccine roll-out sa ika-6 at panghuling panlalawigang ospital. Pinangunahan ni Vice Gov. JunRey San Juan ang pagbabakuna kay Dr. Magtoto, hepe ng nasabing ospital.
Learn MoreMatagumpay na isinagawa ang ika-limang vaccine roll-out ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal para sa mga medical frontliners at health workers nito na ginanap sa RPHS-Angono Annex. Nauna ng isinagawa ang vaccine roll-outs sa mga public hospitals ng Antipolo, Binangonan, Montalban, at Morong.
Learn MorePatuloy ang roll-out ng bakuna sa mga pagamutang panlalawigan na sa pagkakataong ito ay isinagawa sa RPHS Montalban Annex. Si Dr. Mylene Cruz ang unang tumanggap ng bakuna na itinurok ni Dr. Grace Lagarejos, Chief of Hospital ng Montalban.
Learn MoreSinaksihan ni Rizal Gob. Rebecca Ynares ang vaccine roll out sa mga frontliners ng Rizal Provincial Hospitals gamit ang bakunang AstraZeneca at Sinovac na isinagawa sa Margarito A. Duavit Memorial Hospital (Rizal Provincial Hospital System, Binangonan Annex), nitong Marso 12. Ang ceremonial vaccination ay isinagawa ni Bokal Dr. Ato Bernardo kay Dr. Daquigan at Dr. Ibe. Kasama ni Gob. Ynares ang bumubuo ng Sanggunian headed by Vice Gob. San Juan. Dumalo rin ang Unang Ginang ng Binangonan na si Dra. Rose Callanta-Ynares. Sa panayam kay Gob. Ynares, sinabi nito na pataas ng pataas ang kumpiyansa ng mga mamamayan ng Rizal na magpabakuna. Sa katunayan ay mas dumami ang mga health workers mula sa iba't-ibang pampublikong ospital ang nagpatala upang magpabakuna.
Learn MoreSa direktiba ni Gob Nini Ynares ay namahagi ang Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal ng 400,000 face masks at face shields sa 13 bayan ng probinsya at isang lungsod bilang tugon laban sa pandemya. Alinsunod ito sa kautusan ng IATF na maging mandato ang pagsusuot ng face mask at face shield ng lahat kung lalabas ng mga tahanan.
Learn MorePinasinayaan ni Senador Bong Go, Sec. Michael Lloyd Dino at Gob. Nini Ynares ang ika-apat na Malasakit Center sa lalawigan na matatagpuan sa bayan ng Montalban. Kabilang ito sa 98 Malasakit Centers na naipatayo na sa buong bansa. Bukod kay Senador Bong Go ay dumalo rin sa nasabing okasyon sina Montalban Mayor Tom Hernandez, mga Konsehal, mga Kapitan at mga opisyal ng partner agencies tulad ng DOH, DSWD, PCSO at Philhealth. Ipinagkaloob ni Senador Bong Go ang tseke na nagkakahalaga ng Php 3 milyon bilang paunang pondo para sa center na tatanggap din ng Php 3 milyon kada buwan mula sa Office of the President. Ito ay karagdagan sa nauna nang Malasakit Centers sa Binangonan, Cainta at Antipolo City Hospital System-Mambugan Annex 2. Kasabay ng pagbubukas ng center ay nagkaloob din ang senador ng 10 bisikleta at 10 tablets para magamit ng mga frontliners ng ospital. Gayundin, namahagi siya ng 500 food packs para sa lahat ng pasyente ng ospital at mga kawani nito at 6,480 tablets ng ascorbic acid (Vitamin C) para ipamahagi rin sa mga nangangailangan. Taos-pusong nagpapasalamat si Gob. Ynares, sa ngalan ng mga mamamayan ng Rizal, sa butihing senador sa patuloy nitong pagkakaloob ng tulong sa mga Rizalenyos.
Learn More