Responsive image

Bayan ng Baras at Montalban, tumanggap ng donasyong flu vaccines

Tumanggap ng donasyong tig 10,000 doses ng Flu vaccine ang Pamahalaang Bayan ng Baras pati ang bayan ng Montalban mula sa Zuellig Pharma Corporation na kinatawan nina Ms. Roxanne Madaraog, Mr. Jeoglin Casinillo, kasama si Ms Nina Ynares. Nitong mga nakaraang araw ay nag-donate din sila ng 10,000 doses ng nasabing Flu vaccine sa Antipolo at Binangonan. Hinihikayat po ang bawat isa na magpa bakuna sa lalong madaling panahon.