Responsive image

IKA-APAT NA MALASAKIT CENTER SA RIZAL

Pinasinayaan ni Senador Bong Go, Sec. Michael Lloyd Dino at Gob. Nini Ynares ang ika-apat na Malasakit Center sa lalawigan na matatagpuan sa bayan ng Montalban. Kabilang ito sa 98 Malasakit Centers na naipatayo na sa buong bansa. Bukod kay Senador Bong Go ay dumalo rin sa nasabing okasyon sina Montalban Mayor Tom Hernandez, mga Konsehal, mga Kapitan at mga opisyal ng partner agencies tulad ng DOH, DSWD, PCSO at Philhealth. Ipinagkaloob ni Senador Bong Go ang tseke na nagkakahalaga ng Php 3 milyon bilang paunang pondo para sa center na tatanggap din ng Php 3 milyon kada buwan mula sa Office of the President. Ito ay karagdagan sa nauna nang Malasakit Centers sa Binangonan, Cainta at Antipolo City Hospital System-Mambugan Annex 2. Kasabay ng pagbubukas ng center ay nagkaloob din ang senador ng 10 bisikleta at 10 tablets para magamit ng mga frontliners ng ospital. Gayundin, namahagi siya ng 500 food packs para sa lahat ng pasyente ng ospital at mga kawani nito at 6,480 tablets ng ascorbic acid (Vitamin C) para ipamahagi rin sa mga nangangailangan. Taos-pusong nagpapasalamat si Gob. Ynares, sa ngalan ng mga mamamayan ng Rizal, sa butihing senador sa patuloy nitong pagkakaloob ng tulong sa mga Rizalenyos.