Responsive image

PAGBAKUNA SA MGA MEDICAL FRONTLINERS

Sinaksihan ni Rizal Gob. Rebecca Ynares ang vaccine roll out sa mga frontliners ng Rizal Provincial Hospitals gamit ang bakunang AstraZeneca at Sinovac na isinagawa sa Margarito A. Duavit Memorial Hospital (Rizal Provincial Hospital System, Binangonan Annex), nitong Marso 12. Ang ceremonial vaccination ay isinagawa ni Bokal Dr. Ato Bernardo kay Dr. Daquigan at Dr. Ibe. Kasama ni Gob. Ynares ang bumubuo ng Sanggunian headed by Vice Gob. San Juan. Dumalo rin ang Unang Ginang ng Binangonan na si Dra. Rose Callanta-Ynares.
Sa panayam kay Gob. Ynares, sinabi nito na pataas ng pataas ang kumpiyansa ng mga mamamayan ng Rizal na magpabakuna. Sa katunayan ay mas dumami ang mga health workers mula sa iba't-ibang pampublikong ospital ang nagpatala upang magpabakuna.