Soft opening ng Rizal Provincial Hospital System (RPHS) Taytay
Kahit pa malapit sa Metro Manila kung nasaan ang mga naglalakihang ospital ng DOH, minarapat pa din nating magtayo ng RPHS-Taytay. Ito na ang ating ika panglabing-isa (11th) LGU public hospital sa Rizal.
Mayroon itong mga services na kayang makapag-accommodate ng mga pasyente for emergencies, confinement at meron din Outpatient Department (OPD); Equipped din ito with CT scan, X-Ray, Ultrasound, ECG, atbp. Mayroon din mga laboratory examination equipment.
Mayroon din itong mga sumusunod na dedicated services o departments with corresponding schedule for OPD:
✅ Internal Medicine (OPD Mon to Fri, 1 pm-5 pm)
✅ Surgery Department (OPD Mon to Fri, 1 pm-5 pm)
✅OB-Gyn Department (OPD Mon to Fri, 8 am-12 nn)
✅ Pediatrics Department (OPD Mon to Fri, 8 am-12 nn)
✅ Anesthesiology department (TBA)
✅ Family Planning (TBA)
✅ Medico Legal Cases
Free of charge (libre) as usual ang mga nabanggit na serbisyo para sa mga Rizalenyo.
Lalagyan din ito ng karagdagang Rehabilitation Medicine, Dental, Orthopedics, Hemodialysis services, atbp.
Pahalagahan natin ang mga proyekto at programang pangkalusugan dahil walang materyal na bagay na hihigit pa sa kalusugan at buhay ng ating mga kababayan. Kaya naman po sa mga masisipag na mga kababayan nating doctors, nurses, pharmacists, radiotechs, dentists, etc, welcome po kayong maglingkod kasama namin sa alinmang public hospital natin. Paki padala lang po ang inyong Resume, CV or biodata sa HR Department sa Rizal Provincial Capitol sa Antipolo.
Para sa mga concerns o katanungan, maaaring tumawag sa numerong 02-8661-5298
#RPHSTaytay
#OspitalParaSaRizalenyo
#TaasNooRizalenyo