Responsive image

The Rebirth of Hinulugang Taktak Falls

9 years ago nang nagsimula tayo kasama si mayor Jun at ang buong Antipolo City Gov't na isaayos at ibalik ang dating sigla at ganda ng Hinulugang Taktak. Lumipas ang mga taon, kitang-kitang malaki na ang inimprove sa lugar. Ang dating pangarap lamang ay nagkakatotoo na.... The rebirth of Hinulugang Taktak Falls. Bukod sa pagiging isa sa paboritong pasyalan dahil sa mga amenities nito tulad ng swimming pool, spider web, at canopy walk, samahan pa ng wall climbing at rappelling experience. Ongoing na rin ang napaka laking proyektong Sewage Treatment Plant in partnership with Manila Water na kapag natapos ay makapagbibigay ng karagdagang 16 million liters ng malinis na tubig kada araw para sa ating lalawigan. Malapit nang matapos ang proyekto. Pag nagkataon, pwede ma din maligo sa batis tulad nung panahon ng ating mga lolo at lola
#LalawiganNgRizal
#TaasNooRizalenyo
#HinulugangTaktak
#LoveHinugulangTaktak
#AntipoLOVE