Responsive image

TOP 1 MOST COMPETITIVE Province in the Philippines for 8 Consecutive Years

Rizal Province is again the TOP 1 MOST COMPETITIVE Province in the Philippines for 8 consecutive years! Tumabla na tayo sa record sa NBA kung saan Boston Celtics ang may hawak ng record na most consecutive championship or title victories from 1959-1966. Naitanghal muli ang ating Lalawigan bilang TOP 1 Most Competitive sa ginanap na DTI Philippine Creative Cities & Municipalities Competitiveness Congress 2023. Ito na po ang ika-walong taong sunod-sunod na panalo ng ating Probinsya bilang Most Competitive Province sa buong bansa! Alam po natin hindi magiging posible ang pagkilalang ito kung hindi dahil sa pagtutulungan ng ating Pamahaalaang Panlalawigan at ng iba't-ibang mga Local Government Units dito sa Rizal. Congrats po sa ating lahat! Ang tagumpay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal ay tagumpay ng bawat Rizalenyo! Muli, tunay ngang masasabi nating..."TAAS NOO RIZALENYO! MOST COMPETITIVE TAYO!" To God Be All The Glory! #TaasNooRizalenyo #MostCompetitiveProvince