Responsive image

#RIZALAGAINSTCOVID19

Tuluy-tuloy ang Expanded at Targeted Covid-19 Testing sa mga public markets na isinasagawa ng ating Provincial Testing Team. Pinuntahan kamakailan ang Montalban Public Market kung saan 917 vendors at tenants ang na test at 20 sa kanila ang nagpositibo sa Covid-19. Sa kasalukuyan ay naka-quarantine ang mga ito at minomonitor ng ating local health authorities. Nagkaroon na rin ng contact tracing sa mga nakasalamuha nila at nagsagawa na rin ng disinfection sa naturang palengke.