
 
                                Students, Researchers, and Bookworms, this one’s for you! 
                                Kung naghahanap kayo ng perfect spot para magbasa, mag-research, o mag-aral, hindi niyo na kailangan pang lumayo dahil nandito ang Binangonan Municipal e-Library! Hindi na kailangan pang gumastos dahil libre ang access sa facilities ng library. 
                                Narito ang ilan sa mga free services at facilities na ino-offer nila: 
                                • Reading Area - Fully air-conditioned na space para sa tahimik, maayos, at komportableng pagbabasa. 
                                • Reference Section - Iba’t ibang encyclopedias, dictionaries, at heritage materials na pwedeng gamitin sa pananaliksik. 
                                • Filipiniana Collection - Mga aklat at dokumento tungkol sa kultura at kasaysayan ng Pilipinas. 
                                • Books in various genres - Mga fiction at non-fiction na aklat na pwedeng basahin bilang libangan. 
                                • Computers with Internet Access - Public-access computers para sa research. 
                                • Libreng printing at photocopying services - Libreng serbisyo para sa school requirements ng mga estudyante 
                                • e-Library Access - Access sa mas malawak na online resources para sa publiko. 
                                Tara na at bisitahin ang Binangonan Municipal e-Library para sa isang tahimik, malinis, at komportableng lugar para mag-aral at magbasa. 
                                Operating Hours: 
                                Mondays through Fridays (regular working days) 8:00 AM to 5:00 PM 
                                Address: 
                                Binangonan Municipal E-Library & Museum Building Corner Zulueta Street, Libid 
                                Page: 
                                https://www.facebook.com/binangonan.elibrary/ 
                                #BinangonanMunicipalELibrary 
                                #LalawiganNgRizal 
                                #TaasNooRizalenyo