Responsive image

ANI PARA SA MGA BAYANI

Masayang tinanggap ng mga health workers mula sa iba't ibang annexes ng Rizal Provincial Hospital System ang mga ipinagkaloob na mga gulay na inani mula sa COMMUNITY GARDEN sa loob ng Rizal Provincial Capitol Compound. Bilang pasasalamat ni Gob. Nini Ynares sa kanilang walang kapagurang pagsisilbi para sa probinsya, inaasahan din na sa tulong ng masustansiyang handog mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal ay mapagtibay ang katawan ng ating mga hospital staff, upang mapagtagumpayan nila ang giyera laban sa COVID-19. Sa simpleng paraan may magagawa din tayo para sa ating mga kababayan. Makibahagi sa pagtatayo at pagpapalago ng mga community gardens sa inyong lugar at barangay upang matugunan ang pangangailangan para sa libre, abot-kamay, at masustansiyang pagkain ng bawat Rizaleño.
#YesWeCan
#RizalProvinceCommunityGarden
#TaasNooRizaleño