Responsive image

SPES Payout

Malugod na nakiisa si Rizal Gob. Nina Ricci Ynares sa groundbreaking ng kauna-unahang Dairy Box hindi lang sa Rizal kundi sa buong Calabarzon. Ang Dairy Box ay isang one-stop shop ng freshly made at locally-sourced dairy products mula sa mga farmers ng Rizal. Maihahalintulad ito sa isang pasalubong center subalit puro dairy at pastries ang itinitinda. Unang makikinabang dito ang higit sa 200 miyembro ng Llano Farmers Multi-Purpose Cooperative (LFMPC), isang Agrarian Reform Beneficiaries Organization (ARBO) sa Brgy. Bayugo, Jalajala, Rizal. Ang Dairy Box ay bahagi ng pagpapalawig ng Carabao Milk Market sa Rizal. Ang mga miyembro ng LFMPC na taga-Rizal ay pinagkatiwalaan din ng 45 crossbread carabaos (19 pregnant) para makapagsimula na sila ng production habang itinatayo ang Dairy Box. Bukod sa paglago ng carabao dairy business sa bayang ito, malaking kabuhayan din ang maaaring idulot nito sa ating mga farmers. At hindi lang iyon, “two birds in one stone” ika nga, dahil sa maipo-promote din natin ang turismo ng bayan ng Jalajala na tinaguriang “Paraiso ng Rizal”.


 
z