Responsive image

Bagong Classrooms sa Pintong Bukawe Elementary School

Opening new doors for better learning experience

Panibagong pinto na naman ang ating binuksan matapos ang Handover Ceremony ng bagong two-storey 8 classrooms para sa Pintong Bukawe Elementary School. New classrooms mean new opportunities para sa ating mga mag-aaral na matuto nang maayos sa mas maganda at ligtas na classroom.

Masaya rin tayong makasama sina Cong. Jojo Garcia, Mayor Omie Rivera, at BM JP Bautista na buong pusong nakiisa at sumuporta sa ceremony na ito. Ganoon din ang WawaJVCo. Inc. na nagsilbing pundasyon ng proyektong ito.

Tuloy lang tayo sa pagbubukas ng mga panibagong pinto para sa kinabukasan ng ating mga kabataang Rizalenyo.

#LalawiganNgRizal
#TaasNooRizalenyo