Good vibes ang ating dala para sa mahigit isang libong kalalawigan natin na TUPAD beneficiaries sa kanilang pay-out day sa bayan ng Binangonan.
Bawat isa ay nakatanggap ng Php 5,200—walang labis, walang kulang, at lalong WALANG KAHATI (BAWAL) —para sa kanilang pagtratrabaho sa ilalim ng TUPAD program ng Pamahalaan.
Tinodo na rin natin ang saya dahil nakasama natin si Senator JV Ejercito, na nagpaabot ng tulong at buong suporta para sa ating mga Rizalenyo.
Salamat Senator JV sa pagbisita sa amin. At higit na pasasalamat sa ating mga TUPAD workers na talagang DASURV makatanggap ng sahod ngayong TUPAD pay-out day.
#TUPAD
#LalawiganNgRizal
#JVisTheGoodOne