Responsive image

World Teacher's Day 2024

Sa nakalipas na araw, masaya tayong nakasama natin ang ating mga mahal na guro sa pagdiriwang ng World Teachers' Day dito sa Rizal.

Shoutout sa ating mga mapagmahal at masisipag na mga guro mula sa DepEd Taytay Sub-office, DepEd Antipolo at DepEd Rizal.

Very fulfilling para sa isang ina na tulad ko ang personal na mapasalamatan ang ating mga kaguruan na sobrang laki ng ginagampanan sa paghubog ng kaalaman ng ating mga anak

Walang sapat na salita upang maipahayag ang aming pasasalamat sa inyo. Bukod sa pagbibigay ng kalidad na edukasyon, napakalaki rin ng inyong papel sa paghubog ng ating kabataan at sa patuloy na pag-unlad ng ating lalawigan.

Thank you, teachers!

Sana ay nagustuhan ninyo ang aming surprise — ang newly renovated Ynares Center na inihanda para sa inyo! (sinigurado natin na just in time ang tapos ng renovation sa celebration ng Teacher’s Day) At syempre, kasama na rin ang ating mga munting regalo sa ating mga raffle winners, don’t forget to claim your prizes.

Happy World Teachers' Day pong muli!

#HappyTeachersDay
#WTD2024
#MATATAG
#LalawiganNgRizal