Responsive image

Adbokasiya para sa Agrikultura

Hands-on learning para sa masaganang ani

Sa pamamagitan ng Season-Long Farmers Field School (FFS) on Rice Production sa Binangonan at Montalban, natututo ang ating mga magsasaka ng sustainable methods ng pagtatanim ng palay, mula sa tamang paggamit ng pataba, pest monitoring, hanggang sa water-saving techniques.

Pinangungunahan ito ng ating Provincial Agriculture Office, katuwang ang Department of Agriculture at mga local agriculture offices bilang bahagi ng ating adbokasiya na magtaguyod ng produktibong sakahan at balanseng kabuhayan.

#FarmersFieldSchool
#LalawiganNgRizal
#TaasNooRizalenyo