Responsive image

Project: TRANSFORM

A great way to celebrate my birthday is to celebrate it by pledging our care for the environment and resilience. Ni-launch natin kasama ang DENR ang project TRANSFORM (Transdisciplinary Approach for Resilient and Sustainable Communities through Multistakeholder Engagement) para sa Rizal. 4 pa lang na probinsya sa bansa ang meron ganitong programa. Nakasama natin kanina ang mga partners natin mula DENR headed by Secretary Loyzaga, mga undersecretaries, regional director, sila Mayors Jun Ynares, Lito Tanjuatco, Willy Robles, Omie Rivera, Ronnie Evangelista, mga kawani ng LGU's, CSO's, NGO's, stakeholders from the private sector, academe, atbp. Kasama sa mga napag usapan ang disaster risk reduction at pag adapt o paglaban sa paglala ng epekto ng climate change sa mundo.
Sabi nga - Bounce Forward together, kung saan sa pagtutulungan ng bawat isa ay sama-samang kikilos upang maging resilience sa mga hamon ng panahon. Tulad nga ng aking nabanggit, resilience is BENDING WITHOUT BREAKING. Sa history ng ating Lalawigan, maraming hamon ng pagbabago ang ating pinagdaanan. May mga pagsubok naganap, and we did not break. We fell but got back on our feet. Kita naman ngayon na eto ang ating Lalawigan -- strong, progressive and standing. 8th straight year na Most Competitve Province sa buong bansa.
#TaasNooRizalenyo #LalawiganNgRizal #EnvironmentForLife #DENRProjectTransform