Congratulations! Muling itinanghal bilang Top 1 Most Competitive Province in the Philippines ang Rizal Province sa 10th Cities and Municipalities Competitive Summit na ginanap sa PICC ngayong araw. Ito ang ika-7 sunud-sunod na pagkakataong kinilala ang kahusayan sa pamamahala ang lalawigan. Ang rankings ay base sa five pillars na identified ng DTI Competitiveness Bureau: Infrastructure Development, Economic Dynamism, Government Efficiency, Resiliency, and Innovation. Ang prestihiyosong award na ito ay iginagawad ng DTI at iba pang sangay ng gobyerno sa tulong ng USAID.