Responsive image

TRABAHO PARA SA MGA DISPLACED WORKERS

Pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal sa pamumuno ni Gob. Ynares ang pamamahagi ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantage/Displaced workers (TUPAD) na ginanap sa Montalban, Rizal. Ang programa ay sa pakikipag tulungan ng mga tanggapan nina Sen. Joel Villanueva at House Deputy Speaker Congw. Loren Legarda. Kinatawan nina GSIS Board Trustee Nina Ynares at Bokal Rommel Ayuson si Gob. Ynares sa sweldo sa daan-daang mga benepisyaryo. Layon ng TUPAD program na mabigyang tulong ang mga kababayan nating nawalan ng trabaho at mapagkalooban sila ng pag-asang malagpasan ang hamon ng kasalukuyang panahon at muling makabangon.