Responsive image

YES NA YES SA DISASTER RESILIENCE

Kinilala ni Regional Director ng Office of Civil Defense Region 4A Maria Theresa R. Escolano ang Rizal Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council na pinamumunuan ni Governor Rebecca "Nini" Ynares para sa epektibong implementasyon ng mga programa at proyekto na nagpapatibay sa mga tunguhin ng Pamahalaang Panlalawigan sa larangan ng disaster risk reduction and management. Pinatutunayan nito na ang Rizal ay mayroong makabuluhang ambag sa kaligtasan at katatagan ng mga mamamayan nito sa gitna ng mga sakuna at kalamidad. Kumatawan ang OIC ng PDRRM Office na si Miguel Morillo sa pagtanggap ng Plaque of Commendation.