Responsive image

DRRM Forum

Impormasyon ang ating sandata, kahandaan ang ating panangga!

Isa talaga sa mga birthday wish ko ang masigurong ligtas ang bawat Rizalenyo. Kaya naman siniguro ko na magkaroon tayo ng Disaster Risk Reduction and Management Forum kasama ang LDRRMO, ABC Presidents ng mga bayan, at RPG Dept Heads.

Sa tulong ng experts from DOST-PHIVOLCS at OCD-CALABARZON, mas napanatag ang loob natin nang maipaliwanag sa atin ang tamang impormasyon para na rin maitama ang mga maling paniniwala. Nasubukan din natin ang earthquake simulator na very realistic ang experience at nagbigay rin sa atin ng idea kung ano ang dapat gawin kapag naging totoo na ang sitwasyon.

Bonus pa, bawat bayan ay may bagong DRRM equipment para mas handa, mas mabilis, at mas epektibo ang ating operasyon sa oras ng sakuna.

When there’s a risk, Rizal always finds a way to be ready. Lamang ang may alam!

#LalawiganNgRizal
#TaasNooRizalenyo