
Hindi lahat ng birthday, kailangang bongga, Minsan, sapat na ‘yung makasama mo ang mga batang nagbibigay ng tunay na ngiti at inspirasyon.
Kaya ngayong birthday ko, pinili kong i-celebrate ito kasama ang mga kabataan ng Bahay Pag-asa. Dala ko ang malasakit at pagmamahal ng isang ina, kaya gusto kong maramdaman nila na kahit na minsan nagkamali, may mga taong handa pa ring umintindi, gumabay, at patuloy na naniniwala sa kanila.
Ramdam ko sa bawat ngiti at tawa nila ang pag-asa at pagbabago. Sabi nga nila, “habang may buhay, may pag-asa” at sila mismo ang patunay niyon.
Mga anak, makakaasa kayo na patuloy namin gagampanan ang aming tungkulin para paglabas ninyo ay may maayos, ligtas, at mapagmalasakit na lipunang naghihintay sa inyo.
Sa ating mga house parents, social workers, at department heads, maraming salamat sa walang sawang paggabay at pagmamahal sa ating mga kabataan.
Isang makabuluhang kaarawan, isang pusong puno ng pasasalamat!
#LalawiganNgRizal
#TaasNooRizaleyo