Daming sakuna dulot ng climate change. Nandyan ang tag-tuyo't tag-init na nakaka apekto sa poultry industry pati tanim ng ating mga farmers. Ang tag-init din ay nakakadagdag sa pagtaas ng sea levels dahil sa pag tunaw ng mga yelo sa karagatan na nagdudulot ng pagbaha. Dahil sa extreme weather changes, ito din ay lubos na nakakaapekto sa pagkasira ng ating natural ecosystems.
Hindi rin natin pwedeng isantabi na ang climate change ay may epekto din sa kabuhayan ng ating mga kababayan mula sa agriculture sector. Pati sa usaping public health, ang pagbabago ng klima ay nagdudulot ng health risks tulad ng heat stroke at iba pang sakit gaya ng dengue at malaria.
Sa dami ng sakuna, mga sakit at problemang dulot ng climate change...kailangan na talaga ng pagbabago.
Kaya naman sa ating 10th-year celebration, ipagpapatuloy pa natin ang magagandang adhikain ng ating YES Program sa buong lalawigan. Kaya natin to! Change starts with us. Let's say YES to a greener future, and YES to a cleaner environment!
#10thYESAnniversary
#YEStoGreenProgram
#YnaresEcoSystem