Responsive image

Fortified Nutribun Feeding Program sa Rizal

Sa pangunguna ni Sen. Imee Marcos at Rizal Gob. Nina Ricci Ynares ay isinagawa kamakailan ang pilot testing ng fortified Nutribun Feeding Program sa Tanay, Rizal na hangaring matugunan ang malnutrisyon at magkaroon ng food security sa ating lalawigan at sa buong bansa. Namigay ng fortified nutribuns na gawa sa kalabasa, malunggay at ibang mga gulay na may mataas na nutritional value sa mga chikiting na 3-5 taong gulang. Ang ating mga health officers at nutrition scholar ang siyang magmo-monitor ng timbang at kalusugan ng mga bata habang sumasailalim sa feeding program. Hangad ng Fortified Nutribun Feeding Program na mapalawak pa ang programang ito upang mas maraming kabataan ang mabigyan ng masustansyang nutribun na malaki ang maitutulong upang mabigyan sila ng tama at sapat na nutrisyon na kailangan nila sa kanilang pag-aaral.


 
z