Responsive image

Rizal, may Highest Locally Sourced Revenue

Nagpapatuloy ang mahusay na pamamahala sa kaban ng bayan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal sa pamumuno ni Gov. Nina Ricci Ynares dahil kamakailan lang ay tinaggap natin ang award na LGU na may Highest Locally Sourced Revenue mula sa Bureau of Local Government Finance (BLGF). Ang pagiging number 1 ng Rizal bilang National Top Performing Provinces in Local Revenue Generation ay patunay lamang na tama at maayos ang pamamalakad sa ating financial revenues. Matatandaang kamakailan lang din ay ginawaran sa ika-pitong sunod na taon ang Rizal bilang Most Competitive Province in the country ng DTI. Muli, salamat po sa ating masusugid na taxpayers at lahat ng stakeholders ng ating lalawigan.
#AsensoRizalenyo
#RizalTop1BLGF
#TaasNooRizalenyo