Jingle bells, jingle bells… Pililla all the way!
Ramdam na ramdam na ang Pasko all the way sa Pililla matapos nating pailawan ang kanilang YES Giant Christmas Tree, Belen, at ang façade sa harap mismo ng malapit nang matapos na bagong Municipal Building.
With colors of white, blue and yellow with a touch of floral design ang tampok sa Christmas Tree ngayong taon ng Pililla na gawa mula sa mga recycled materials tulad ng tela, PET bottles, at electric fan covers na nagbigay ng liwanag at nagparamdam ng simoy ng Hangin sa Windmill Capital ng ating Lalawigan.
Sa bawat YES Christmas Tree ng ating pinapailawan ay simbolo ng simula ng masayang Paskong Rizalenyo! Few more towns to go at malapit na nating makumpleto kaya, Stay tuned, Rizalenyos