Responsive image

Rizal's 34th Centenarian

Binisita natin si Nanay Esther para personal na batiin at sabay abot na din sa kanya ang Php100,000 bilang ika-34th Centenarian dito sa ating lalawigan. Nakakatuwa makasama si Nanay Esther – palabiro at masayahin. Sa kanyang sigla, hindi mo aakalaing 100 years old na siya. Bagamat mahina na ang kanyang pandinig, game na game pa rin siyang nakipagkwentuhan sa atin, at kitang-kita mo sa kanyang mukha ang ngiti at saya. Biro pa niya, ipangpaparty niya daw ang natanggap na centenarian cash incentive, at kasama tayo sa kanyang iimbitahan. Nanay Esther, we wish you po good health and more years to come! Sya nga pala, kung mayroon din tayong mga kakilalang may edad 100 years old pataaas o centenarian na hindi pa natin nabibigyang pagkilala, maari ninyo itong ilapit sa ating tanggapan sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).
FB Page: PSWDO Rizal
8256-3000 loc. 6014