Pinangunahan ni Nina Ynares ang pagpapailaw sa YES Recycled Christmas Tree ng Binangonan, Rizal na gawa sa recycled materials tulad ng plastic cups at bottles, wrapper ng biskwit at iba pa na akma ngayong panahon ng pandemya. Simbolo at paalala ang Christmas Tree ng Binangonan sa ating hangarin na pagbangon. Ito rin ay paalala na ang mga itinatapon at inaakala nating basura ay maaari pang magkaroon ng pakinabang. Sa kanyang mensahe, pinaalalahanan ni Nina Ynares ang mga mamamayan na magpabakuna upang tuluyang magkaroon ng proteksyon laban sa COVID-19, at para na rin sa masayang Kapaskuhan. Kasamang dumalo sa pagpapailaw ng Christmas Tree sina Vice Gob. Junrey San Juan, Mayor Cesar Ynares, Dra. Rose Ynares at Vice Mayor Boyet Ynares. Nakiisa rin sa seremonya sina Bokal Ato Bernardo,Bokal Jun Cabitac, mga Konsehal, Admin. Russel Ynares, Dept. Heads, YES Team, at mga mamamayan ng Binangonan.