Responsive image

YES Christmas Tree sa Teresa 2024

Walking in a Candy Wonderlandddd!

Sweet at colorful na pasko ang hatid sa atin ng bayan ng Teresa ngayong pinailawan na natin ang kanilang Giant YES Christmas Tree.

Mapa-bata man o kids at heart ay mapapa-wow sa ganda ng kanilang Christmas Tree design na pag nakita mo ay para kang nasa fairytale o candy wonderland May candy cane, gingerbread, at iba't ibang makukulay na disenyo na talaga namang kahanga-hanga

Sa ganda ng pagkakagawa di mo aakalaing recycled at eco-friendly materials tulad ng coco husk, scrap rubber, gulong, paleta, bote, atbp. ang ginamit na materyales para mabuo ang kanilang Giant YES Christmas Tree!

Kaya naman for sure magiging pasyalan ito sa Teresa lalo na ngayong magpapasko, eto talaga ang paskong kay tamis na hindi nyo dapat ma-miss!

Have a sweet and magical Christmas, Rizal!

On a sugar rush? Tara na’t sama-sama nating abangan ang susunod na Christmas tree na ating papailawan!