Responsive image

9th Rizal Provincial Cooperative Congress

Dinaluhan at nakiisa tayo sa ginanap na 9th Rizal Provincial Cooperative Congress, kung saan nagtipon-tipon ang ibat-ibang kooperatiba mula sa ating lalawigan. Mapalad din tayong makasama sa nasabing event ang ating mahal na Senadora Imee Marcos na taos pusong nagpaabot ng kanyang personal na pagbati at pagsuporta para sa mga kooperatiba ng ating probinsya. Hangad natin ang tuloy-tuloy na paglago ng bawat kooperatiba sa ating lalawigan at nawa'y marami pang Rizalenyo ang makibahagi at makipagtulungan para sa ikauunlad ng ating mga samahan. At para naman sa ating mahal na Senadora Imee Marcos, maraming salamat sa walang sawang pagsuporta at tulong na ramdam na ramdam ng mga Rizalenyo.
#9thProvincialCooperativeCongress #LalawiganNgRizal #ImeeSolusyon