I’m… dreaming of a White Christmas…
Wala mang snow, pero lahat ay mapapa-WOW sa inihandang YES Christmas Tree ngayong taon na pinailawan natin kasama ang aking bunsong kapatid na si Mia, together with Mayor Cesar at kanyang maybahay na si Dra. Rose, Vice Mayor Boyet at ating mga bokal at mga konsehal sa Bayan ng Binangonan.
Nabuo mula sa pinagsama-samang recycled materials tulad ng plastic bottles, wire mesh, PVC, plastic utensils,hose, foils, gear motors, at fishnets.
Kapag nakita mo, di mo aakalaing gawa ito sa recycled materials! Ganyan kamalikhain ang mga Rizalenyo—maganda na sa paningin, mabuti pa sa kalikasan.
Napaka-meaningful din ang naging pagbubukas ng ilaw. Bawat pailaw ay nagrerepresenta ng iba't ibang aspeto ng buhay,kalikasan, pag-asa, busilak na puso, at damdamin.
Inaabangan rin tuwing Tree lighting ang talento ng ating mga kababayan sa musika Nakakatuwang marinig ang mga likhang kanta na talagang pinagtulungan at in-effort-an ng ating mga kalalawigan.
Kaya naman talagang kaabang-abang na ang next nating pupuntahan.
Saan?
Let’s see…
#YESChristmasTree2024
#TaasNooRizalenyo
#YesToRecycling
#LalawiganNgRizal