Responsive image

3 Proyekto na pinondohan ng ELCAC sinimulan sa Tanay

Inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal sa pangunguna ni Kgg. GOV. REBECCA YNARES ang mga proyektong farm-to-market road, slope protection, at health center sa Barangay Sta. Ines, Tanay, Rizal na pinondohan sa ilalim ng Support to Barangay Development Plan ng NTF-ELCAC. Layon ng mga proyekto na mapabilis ang trasportasyon ng mga produkto ng mga magsasaka at iba pang komersyo, matatag na infrastuktura laban sa kalamidad at mabuting kalusugan ng mga mamamayan lalo na ng mga katutubo. Dumalo sa seremonya sina Vice Gov. Junrey San Juan, PA Echavia at mga opisyal ng NTF-ELCAC, DILG, Philippine Army, PNP, Mayor Rex Tanjuatco, Kap. Zubiaga, at iba pa.