Naging masaya at makulay ang pagsalubong natin sa grand salvo ng ika-14th Hane Festival sa bayan ng Tanay.
Bukod sa zumba at pagkanta nina TV Actor Rafael Rosell at actress na si Angela Alarcon, nagkaroon din tayo ng pagkakataong pormal na buksan at bisitahin ang mga booth sa Agri-Trade Fair Exhibit na bahagi ng pagdiriwang ng Hane Festival, at bonus pa dahil nakapag-ATV experience din ako (kahit konti lang) kasama si Vice Mayor RM Tanjuatco.
Talaga namang iba ang saya sa Tanay, Hane?
Isa itong magandang pagkakataon upang maipagmalaki at maipagdiwang ang mayamang sining, kultura at turismo ng mga Rizalenyo.
Happy Hane Festival po sa lahat at Happy 418th Founding Anniversary po sa Magandang Tanay, Hane!