Responsive image

PAMAMAHAGI NG FACE MASK

Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal ay namahagi ng 164,500 pirasong reusable face masks sa Unang Distrito ng Rizal (Binangonan, Angono, Taytay at Cainta) upang patuloy na labanan ang pagkalat ng COVID19 sa lalawigan. Kinatawan si Gob. Ynares ng mga Bokal sa Unang Distrito na sina Ross Glen Gongora at Dr. Ato Bernardo na nanawagan din sa mahigpit na pagsunod sa mga minimum health protocols na ipinatutupad ng Inter Agency Task Force (IATF). Sa mga susunod na araw, dadalhan din ng mga reusable facemask ang natitirang siyam na bayan at lungsod para sa mga mamamayan nito.