Responsive image

BALIK-LOOB PARA SA KAPAYAPAAN

Hindi pa huli ang pagbabago para sa ating dalawang kababayang hangad ay maayos at payapang buhay. Makalipas ang mahabang taong pagsapi sa makakaliwang grupo ay kusa silang sumuko at nagbalik-loob sa pamahalaan. Sa kanilang muling pagyakap sa kapayapaan, sina Tatay Nestor at Nanay ay pinagkalooban ng halagang tig-P86,000.00 mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) para sa kanilang re-integrasyon sa ating lipunan at livelihood assistance sa kanilang pagsisimula ng bagong buhay. Bilang partner-beneficiaries, silang dalawa ay magsisilbing boses ng bayan upang patunayan na ang ating gobyerno ay laging bukas at handang tumulong sa ating mga kababayang naligaw ng landas at nagnanais na magbalik-loob sa ating pamahalaan. Malaki naman ang pasasalamat ni Governor Rebecca Ynares ng Rizal sa kanilang desisyong magbalik-loob at muling makiisa sa ating lipunan. Tiniyak din ng butihing Governor na ang lokal na Pamahalaan ng Rizal ay tutulong upang sila ay makabalik sa normal na pamumuhay. Ang seremonya na ginanap sa Kapitolyo ng Rizal ay dinaluhan din nina 202nd Infantry Brigade Commander and PTF-ELCAC Co-Chairperson Cerilo C. Balaoro Jr., RPPO Provincial Director and Member Dominic L. Baccay, 80th Infantry Battalion Commander Erwin Comendador, OIC Antipolo CSWDO Frescian O. Canlas, at mga opisyal ng DILG at ng Pamahalaang Panlalawigan.