Game na game si Tatay Aniano “Anieng” Pascual na makipagkwentuhan at ibahagi ang kanyang mga pinagkakaabalahan — tulad na lamang ng pagtugtog ng ukelele na sinabayan pa niya ng pagkanta. Pati na rin ang pagjojournal ng mga karanasan niya noong WWII na sinimulan niya sa edad na 96, infairness kay Tatay Anieng ang ganda niya magsulat.
Hindi lang ‘yan… isa rin siyang public servant. Si Tatay ay isang Abogado, dating Police sa Manila at naging Secretary at Treasurer ng Barangay. Tunay na haligi ng serbisyo at katarungan!
Hindi mo aakalain na 100 years old na dahil matalas pa rin ang pag-iisip at masigla pa rin na nagpakitang-gilas.
Nakakaproud dahil siya ang ika-41 Centenarian ng ating Lalawigan mula sa Brgy. San Juan, Morong.
Good health and long life pa po, Tatay Anieng!
#LalawiganNgRizal