Responsive image

Rizal Province napiling Benchmarking destination ng La Union Provincial Government

Bumisita at nagsagawa ng lakbay-aral at benchmarking activity ang La Union Provincial Government sa lalawigan ng Rizal bilang kanilang napiling destinasyon sa nasabing programa. Pinangunahan ng kanilang bokal na sina Hon. Joy Ortega at Hon. Henry Balbin ang kanilang delegasyon sa dalawang araw na programa na inihanda sa kanila ng Rizal Provincial Capitol, Kung saan kasama rito ang mga diskusyon at tour sa lalawigan. Pinuntahan ng mga opisyales ng La Union Provincial Government ang ilang piling tourist destination sa Rizal tulad ng Angono-Binangonan Petroglyphs, Pinto Art Museum, Antipolo Cathedral, Pasalubong center at iba pa bilang bahagi ng programa. Layunin din ng lakbay-aral at benchmarking activity na ito ang pagpapalitan ng ideya at kalaaman ng dalawang probinsya sa ibat ibang sektor kasama na ang tourism, health, business housing at iba pa; kung saan magagamit sa pagpapaunlad ng kani-kaniyang lalawigan at magkaroon pa ng mas maigting na relasyon ang dalawang lalawigan. Naging matugumpay at produktibong natapos ang pagdalaw ng La Union Provincial Government para sa kanilang benchmarking activity.


 
z