Pagbati sa mga graduates natin mula sa ICCT!
Masaya kaming maging bahagi ng isa sa pinakamasayang sandali sa buhay ninyo. Nakakatuwang isipin na ang dating mga college students ay certified degree holders na ngayon.
Hindi na kakabahan sa mga pa-surprise quiz at recitations ni prof dahil after all the breakdowns, cramming, at puyatan—you finally made it! May kaunting kaba man na nararamdaman ang ilan as you move on to the real world, okay lang yan! Palaging tandaan na kahit anong mangyari, proud kami sa inyong lahat.
Shoutout din sa ating parents, guardians, and teachers sa walang sawang suporta at gabay sa bawat hakbang ng mga students. All of your efforts are always seen and appreciated.
Congratulations, graduates! We’re rooting for you as you take on new adventures and chase bigger dreams.
#CongratulationsBatch2025
#LalawiganNgRizal