Maraming salamat sa muli ninyong pagtitiwala, mga minamahal kong Rizalenyo!
Sa pagpapatuloy ng ating serbisyo, sisiguraduhin natin na tuloy-tuloy ang lahat ng programang nasimulan na natin—at higit pa. Ang mga pangangailangan ng ating lalawigan ay patuloy nating pagtutuunan ng pansin at tutugunan nang buong puso.
Ito ang simula ng pagtupad natin sa panibagong yugto ng mga pangarap para sa mas maganda at mas maunlad na kinabukasan ng bawat Rizalenyo.
Kaya naman sa lahat ng nagtiyagang pumila, naghintay, at buong pusong nagpakita ng suporta—taos-puso akong nagpapasalamat sa inyong lahat. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang para sa akin, kundi tagumpay nating lahat.
Sisiguraduhin natin na mananatiling taas-noo ang bawat Rizalenyo.
#LalawiganNgRizal