Responsive image

PABAHAY SA MAHIHIRAP

Nakipag-pulong si Gob. Rebecca Ynares kay National Housing Authority (NHA) Gen. Manager Engr. Abad at Engr. Sarmiento para pag-usapan ang mga relocation programs para sa mga nakatira sa mga mapanganib na lugar lalong lalo na ang mga naninirahan sa mga daluyang tubig, bangin, atbp. Muling inalok ng Pamahalaang Panlalawigan sa NHA ang mga lupaing pag-aari nito para pagtayuan ng mga pabahay ng NHA para mas madaming mai-alok ang NHA sa ating mga kalalawigan.