Responsive image

NATIONAL WOMENS MONTH

Hataw sa suporta kaya naman damang-dama ang saya ng mga Rizaleña sa naganap na selebrasyon ng National Women’s Month sa Tanay, Rizal, na pinangunahan ng grupong WE CAN Rizaleña. Mula pa sa iba’t-ibang bayan sa ikalawang distrito ng Rizal, nag-unity walk ang mga kasapi ng nasabing grupo, kasama ang iba pang mga samahan na sumusuporta sa adbokasiya ng mga kababaihan. Sila’y nagtipon-tipon sa Tanay Park para sa isang napakasayang pagdiriwang – may kantahan at may sayawan! At higit sa lahat, may kwentuhan patungkol sa mga programa at polisiya na naglalayong proteksyunan ang kapakanan ng bawat Juana at pangalagaan ang kanilang karapatang pantao. Dumalo, nakiisa, at nakisaya rin ang mga panauhing pandangal na sina Sen. Risa Hontiveros, Gabriela Party List Rep. Arlene Brosas, Ms. Nina Ricci Ynares, Bokal Dino Tanjuatco, WE CAN Rizaleña Honorary Chairman Ms. Tet Tanjuatco, Mayor Rex Tanjuatco, Vice Mayor Lito Tanjuatco, Kon. Buboy Bernados ng Tanay, Kon. Hector Robles ng Baras, at si Ms. Tin Arnaldo Dy na asawa ni Isabela Cong. Mike Dy III.
#TindigRizaleña
#WomenMakeChange
#NWMC2022
#WeCanRizaleña