Responsive image

MOBILE KITCHEN AT YOUR SERVICE

Agarang umarangkada ang Rizal Provincial Government mobile kitchen upang magpadala ng mga freshly cooked na ready to eat meals at pati narin ng mga damit para sa ating ka-lalawigang biktima ng sunog sa Brgy. Muzon noong ika-17 ng Marso 2023. Tinatayang aabot sa 96 na pamilya o mahigit 400 indibiduwal ang nawalan ng tirahan at pansamantalang nanunuluyan sa covered court na inassistahan ng mobile kitchen. Layunin ng mobile kitchen program ang on-the-go na pagpapadala ng food assistance sa ating ka-lalawigan nangangailangan ng tulong at suporta para sa biktima ng kalamidad o trahedya gaya ng sunog.