Responsive image

RPG JOINS NATIONWIDE SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL 2023

Bida ang Handa! Naki-isa ang Pamahaalang Panlalawigan ng Rizal sa ginanap na Nationwide Simultaneous Earthquake Drill noong ika-9 Marso 2023. Bilang pakikiisa sa nasabing drill, pagpatak ng alas-dos ng hapon ay sabay sabay na nagduck, cover and hold ang mga kawani ng Pamahaalang Panlalawigan hudyat ng pagsisimula ng Nationwide earthquake drill. Layunin ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill na ihanda ang mga Filipino kung sakaling magkaroon ng di inaasahang kalamidad tulad ng lindol at sa sinasabing the big one sa mga lugar malapit sa West Valley Fault. Nakaplano ito ganapin quarterly upang magkaroon ng malawak na kamalayan ang mga Filipino at bigyan diin ang kahalagahan ng disaster preparedness and resiliency. Ang nasabing drill ay isinagawa sa buong bansa sa pangunguna ng National Disaster Risk Reduction and Management Council. Maayos na naisagawa at natapos ng mga kawani mula sa Rizal Provincial Capitol ang drill at nakabalik sa kani-kanilang opisina.