Personal na nagpaabot ng karagdagang tulong si Sen. Bong Go noong ika-15 ng Marso sa ating mga kalalawigang nasunugan mula sa Taytay at Cainta. Sinegundahan ni Sen. Bong Go ang nauna nang Financial Assistance na mula sa Pamahaalaang Panlalawigan ng Rizal kung saan namigay ito ng karagadagang tulong pinasyal, hygiene kits, food packs at mga damit. Sinasabing mayroong 48 na pamilya mula sa Taytay at 19 pamilya naman mula sa Cainta ang naapektuhan ng dalawang magkahiwalay na sunog sa Lalawigan ng Rizal. Pormal na namigay ng tulong si Sen Bong Go at nagbigay ng nakakapagpatibay-loob na pahayag para sa pag bangon muli ng mga biktima ng nasabing trahedya.