Responsive image

PAGBABAKUNA NAGPAPATULOY SA RIZAL

Dumating na ang mga Sinovac at AstraZeneca vaccines sa Margarito A. Duavit Memorial Hospital (Rizal Provincial Hospital System, Binangonan Annex). Ito ay pagpapatuloy ng pagbabakuna sa mga frontliners ng Rizal Provincial Hospital System. Matatandaang ang Antipolo City na natatanging lungsod ng lalawigan ang unang LGU sa labas ng NCR ang nagbakuna sa mga medical frontliners nito gamit ang Sinovac. Habang hinihintay natin ang mga karagdagang inorder na bakuna mula sa ibang bansa, makipag-ugnayan lamang po muna sa inyong mga munisipyo kung paano mapasama sa masterlist alinsunod sa DOH priorities.